Bespren
- Herbert Iponla

- Jun 21, 2024
- 8 min read
Isang kwento ng pag-iibiganhalaw sa isang tunay na karanasan
mga bata pa lang tayo..alam ko mahal na kita. Sa tuwing papasok sa eskwelasa may kanto inaabangan na kitakahit saglit lang ay makasabay kitapero sobrang sungit mo na nunparati mo akong inaasar at inaawaymakulit narin naman ako nunat para hindi mo mahalata ang totoo kong nararamdaman..sa uwian tuwing hapon, niyaya na kitang umuwiat pinagbibitbit kita ng gamit mo.sabi ko kse, payat mo na nga dami mo pang dalang gamit.pano kapa tataba niyan?naiinis pero ngingiti sa bandang huli.kase sabi mo – ‘kahit makulit ka, sobrang bait mo pala!”
nakalipas ang 6 na taon..at tayo ay magtatapos na sa elementaryawala parin akong lakas ng loob aminin sayo ang nararamdaman ko.
nagkahiwalay tayo ng highschoolniyaya mo ako dun pero di ako pinayagan ng magulang ko.di raw namin kaya ang mataas na matrikula.
4 na taon ang lumipas..nawalan na ko ng balita sayo.pero hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko
magtatapos na ng highschoolnagulat akokinukumusta mo daw ako sa aking lolaat tinatanong mo kung san ako mgkokolehiyo.nabanggit mo rin daw kung anong kurso ang iyong kukunin.
natuwa ako..kahit ilang taon ng lumipasnaalala mo rin pala ako.
gumawa ako ng paraanbasta makapasok din ako sa kolehiyong gusto mo.nag apply akong iskolar para lang sayo.kahit di ko gusto ang kurso basta magkita lang muli tayo.
excited na kokasi sa hinaba-haba ng panahon muli magkikita tayo. At hindi nga ako nagkamali.mas lalo kapang gumanda pero mas mataray kana kesa sa dati.pero naging mag bestfriend naman tayo.magkasabay na ulit pagpasok sa umaga. At hinahatid naman kita sa gabi kapag uwian na.
eto na yata ang pinakamasayang apat na taon ng buhay ko.pero hanggang ngayon di ko pa rin maamin sayo..ang totoong nilalaman ng puso at isip ko. Sa tuwing magkasama tayosumusulyap lang sayominamasdan mukha mopinapangarap na mahagkan at mahawakan ang mga kamay mo.
pero hindi ko masabi syo..kase sabi mo. “sa lahat ng ayaw ko ay ang magkakaibiganay magtatalo! kung kaibigan, kaibigan na lang. ayoko ngliligawan pala ako sa bandang huli!?”“di ba bestfriend?” sabay tanong mo sa akin.“Oo naman!, takot na lang nila sayo….”nakakalungkot pero ok narin yung ganito..at least magkasama parin tayo.
kapag may nanliligaw sayo. Sa akin mo unang pinapakilala. At ng maging kayo..sa akin mo rin unang binalita.kapag may date kayo.gusto mo ako ang chaperon mo.kapag may LQ kayo ako ang tinatakbuhan mo.“Salamat bespren ha. kase parating andyan ka!”ngiti lang tugon ko..pero sa loob-loob, eto sana gusto kong sabihin sayo-“dito lang ako parati sayo, magmamahal buong buhay ko”-
graduation na natin sa kolehiyo.ang alam ko single kana ulit.excited na ko, kesa meron na kong lakas magtapat sayo.sinundo kita senyo at sabay na tayong pumunta sa school.habang naglalakad tayo nasabi ko sayo“bespren, may sasabihin ako! wag ka sanang magagalit!”“ano yun? at bakit mo naman naisip na magagalit ako?!” tugon mo“alam mo bang mga bata palang tayo…MAHAL NA KITA!”nagulat ka…ilang minutong hindi kumibo at nagsalita.“sabi ko na magagalit ka!” “ok lang at least nasabi ko na…”“tagal ko na kaseng kinikimkim etong nararamdaman ko para sayo!”
“alam ko naman yun nun pa. hindi naman ako manhid para di maramadamanang pagmamahal mo!” ang pambawi mong tugon“kaya nga natutuwa akong kasama ka kase minamahal mo ako ng walanghinihintay na kapalit….SALAMAT ha!”
parang sasabog ang dibdib ko sa narinig ko..nanaginip ba ako?
lumipas muli ang ilang taon..pareho na tayong may mga trabaho.pero nagkikita paring tayo kapag weekendor kapag may mga okasyon at iniimbitahan mo kong dumalo sa inyo.kung uuwi ka at magpapasundo.kung papasok kana at magpapahatid.ganito parati ang routine natin.minsan nahahawakan ko kamay mo.minsan nakadantay ang ulo mo sa balikat ko kung naiidlip ka sa byahe.pero wala paring kasiguraduhan kung tayo na ba.nakakagulat lang, sa tuwing papakilala mo ko sa mga kaibigan atkaopisina mo..kung hindi bespren ay minsan pa nagiging pinsan mo.
bakit nga ba ako mgdedemand? wala naman tayong pormal na usapan.
lumipas ng ilang araw..hindi ka ngpaparamdam sa akin.walang text or tawag man lang.kahit ilang ulit na kong nagmemessage at tumatawag sayo.naisip ko baka busy ka lang sa trabaho.
isang gabi, biglang napatawag ka. umiiyak! sabi mo puntahan kita saapartment mo.kahit malayo at dis-oras na ng gabi. walang patubali sumugod ako.pero hindi ko inaasahan ang makikita ko.
sa may pinto palang ng apartment mong tinutuluyannapansin kong may kausap ka ng lalake at tila kayo ay nagtatalo.pagpasok ko ay bigla namang pag-alis niya.tinanong kita – “sino yun? at bakit kayo nagaaway?”“boyfriend ko matagal na.. pagkagraduate palang natin ng college,sinagot ko na siya!”
nagulat ako.. parang gumuho ang aking mundo.gustuhin ko mang magalit, nanahimik at lumabas nalang ako.
“Sorry! hindi ko sinasadyang lokohin ka!” ang sigaw mo.
lumingon ako pabalik..
“hindi mo naman ako niloko!”“sinaktan at pinaglaruan mo lang naman ang damdamin ko!”“tsaka ano ba naman tayo? bespren or pinsan mo lang naman ako!”
“Sorry! sorry talaga, mahal naman kita…?”
hindi ko na naintindihan pa mga huling sinasabi niyahabang ako ay papalayo na.
tumatawag at nagtetext ka..hindi ko nalang pinapansin.ilang taon na pala akong naging tanga….
“Sorry! hindi ko sinasadyang lokohin ka!”
naglalakad ako sa kawalanat tila hindi alam ang patutunguhan.masyadong masakit ang mga pangyayariat di ko na namalayang umaagos na pala ang luha sa aking mga matanakisama narin sa aking dalamhati ang langit.. marahang umulanat tila para niyang sinasabi, akoy kanyang dadamayan.
paulit-ulit ko pa ring naririnig ang iyong tinig…
“Sorry! sorry talaga, mahal naman kita…?”
“pero bakit? ano pa bang kulang sa akin?”ang parati ko namang sambit
nakauwi na ako sa amin..madaling araw na iyonkung paano ako nakauwi,hindi ko narin maalala kung papaano..basta ang alam ko lamang aylasing na ko sa lungkot at pighatina sinamahan pa ng isang bote ng beer
“bakit mo nagawa sa akin yon?”ang mayat-maya kong sambit.sabay hithit ng sigarilyong mga ilang ulit kong sinindihan.nanginginig ang aking mga kamayat waring nagsasabing kailangan ko ng magpahinga.
nakatulog na pala akong nakapinid sa isang sulok ng madilim kong silid.maya-maya pa ay kumatok na si lola..“anong oras ka na umuwi kagabi, apo?”“papasok ka pa ba sa trabaho mo?”walang tinig na lumalabas sa aking mga labi..gusto ko munang mapag-isa.
“masama po pakiramdam ko lola!” marahan kong tugon
“hindi na muna po ako papasok, tatawag na lang ako sa office mamaya…”
nahiga na lang ako sa aking kama.muling sinariwa mga masasaya nating ala-ala..na baka marahil ay isang ilusyon ko lamang.ilusyong matagal kong inakalang totoo at akin
ilang linggo ang lumipas.parating ganito nalangpagkagaling sa trabaho ay derecho agad sa kwartobitbit isang boteng alak na siyang parating karamay ko.
napapansin na rin ako ni lola..wariy may gustong itanong.pumasok siya sa kuwartonaupo sa tabi ko.
“anong problema apo?”“ilang linggo ka ng ganan at parating nagkukulong dito sa kuwarto mo!”
“asan ang Bespren mo?, bakit tila yata di na siya nagagawi dito?”
“akala ko ba kayo na?”
“boto pa naman kami lahat sa kanya”
“saksi ako kung gaano mo siya kamahal…”
nakangiting sambit niya…
“lola, ang dami mo namang tanong po!”
“tsaka kahit kelan, hindi po naging kami…”
“dahil iba ang mahal niya!”
…”at hindi ako yun lola!”
“kaya hayaan ninyo po muna akong mapag-isa, please!”
marahang tumayo ang lola at malungkot na lumabas ng kuwarto.
marahil ay nagulat sa mga sinabi ko.
subalit lahat ng mga binaggit ko ay ang katotohanan.
hindi naman naging tayo.hindi mo naman pinahalagahan lahat ng ginawa ko..hindi mo naman minahal at bespren mo katulad ng pagmamahal ko sayo.
nagdaan pa ang ilang araw..
nasa trabaho ako at bigla kang nag-text..
(msg rcvd)KTA NMN TYO BESPREN..PLS MGUSAP TYO!
nakatitig lamang ako sa message mo..inisip paulit-ulit ang irereply sayo..
(msg send)ANO BA AKO?ALIPIN MO..BSTA MO NLNG UUTUSANKUNG KELAN NAISIN MO..BUSY AKO
hindi kana nagreply muli..
nalungkot ako pero siguro tama lang un.kelangan tapusin ko na ang KAHIBANGAN eto.hinding-hindi mo na ulit masasaktan ang isang tulad ko.hindi na muli papatak ang luha ko sa’yo..
hindi naman naging tayo.
hindi mo naman pinahalagahan lahat ng ginawa ko..
hindi mo naman minahal at bespren mo katulad ng pagmamahal ko sayo.
ang parati ko nalang sinasabi sa sarili ko..at ng tuluyan na kong maka-move on.nakakapagod din pala kaseng maghintayat walang kasiguraduhang ligaya.
pero isang araw sa office..may dumating na deliveryisang dosenang bulaklakmga balloons
inisip ko na para siguro ito sa isa sa mga officemate kong babae
pero nagulat ang lahat ng magtanong ang delivery boy..
“Especial Delivery po!”
“Sino po si..?”
nagulat kaming lahatsapagkat pangalan ko ang tinawag
“sa akin yan? sigurado ka?”
“Opo sir, eto pa nga po yung sulat!”
nagpalakpakan ang lahat at nagkantiyawanhindi ako sanay sa ganitong atensyon.sino kaya may pakana neto at ako yata ay tila napagkaisahan?
pagbukas ko ng sulat…
“Dahil ayaw mo akong kausapin..”
“Hayaan mong gawin ko naman sayo ang mga bagay na ginagawa mo sa akin”
sa iyo pala galing ang lahat ng itonagulat naman ako at ang lahat pala ng mga simpleng bagay na ginawa koay BIG DEAL sayo.
muli kong tinuloy basahin ang liham mo…
“Hayaan mong gawin ko naman sayo ang mga bagay na ginagawa mo sa akin.Upang ipaalala sayo na lahat ng mga eto ay di ko nakakalimutan hanggangsa pinakamaliit na bagay. Itinago ko at nakatatak na sa aking puso at isipan.Marahil nagtataka, bakit ganitong gimik ang naisip ko. Kase naman, ayaw mo naakong kausapin Bespren. Hindi rin kita masisi kase ang laki talaga ng nagawakong kasalanan sa’yo.”
“Noong gabing nakita mo akong may kausap na ibang lalaki at tinanong mo kung sinosiya.Expected ko na ang magiging reaksyon mo, subalit hindi mo ako hinayaangmakapagpaliwanag, bagkus ay umalis kana agad bigla. Marahil ay nadala kanga ng sobrang emosyon at ako ay humihingi sayo ng Sorry.”
“Noong gabi din na iyon ay nakikipaghiwalay na ako sa kanya kaya kami aynag-tatalo. Dahil narealized ko na mali ang ginagawa ko at unfair sayo.Dahil alam ko, sa puso ko na ikaw talaga ang Mahal ko.”
“Magsimula ulit tayo, kung kinakailangang baligtarin natin ang sitwasyon aygagawin ko. Hayaan mo namang ako ang magsilbi sayo. Hayaan mong ako namanang gumawa ng lahat ng magagandang bagay na ginawa mo para sa akin….”
Nagmamahal..
ang iyong Bespren
Nakakainis ka..muli ay pinaluha mo na naman ako.subalit eto ay luha na ng kagalakan
dali-dali kong inangat ang telepono at tinawagan agad kita
“Hello!”
“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?”
ang wika ko
“Hindi mo naman ako binigyan ng pagkakataon kase..”
“Sumisigaw ako sayo nun pero palayo kana!”
“Galit ka pa ba sa akin, Bespren?”
ang sunod-sunod na response niya
“Magkita tayo mamaya after work..Hintayin mo ako, Sunduin kita!”
ang excited kong tugon sa kanya
Advertisement
“sige ba! hintayin talaga kita kahit kelan pa..”
nakatitig lamang ako sa orasanbinibilang bawat segundoat sana ay matapos na ang oras at ng makaalis na ako.
nanaginip ba ako?
o eto na talaga ang matagal kong hinihintayang katuparan ng mga pangarap ko.Hapon na at ako ay nagmamadaling umalis sa office.tumawag sa isang restaurant ang ngpareserve ng isang mesa para sa ating dalawatumawag din ako kay lola at tuwang-tuwa siya sa aking balita
nagtext na ako sayo
(msg send)BESPREN, D2 NA KO.BABA KNA PO =)
(msg rcvd)=)
parang isang anghel ang nakita ko,paglabas mo ng pinto at bitbit ang unang stufftoy na bigay ko sayo.nakangiti ka at bumulong ulit ng “SORRY!”tumugon narin ako ng ngiti at nagagalak ng mayakap ka
subalit nakakagulat ang mga sumunod na pangyayarisa isang iglap ay tila huminto ang mundoisang rumaragasang kotse ang parating at di mo napansinang bilis ng tibok ng puso ko..pumikit ako at nagmadaling tumakbo patungo sayoniyakap ka ng mahigpit at tinulak palayo
isang nakakabinging katahimikan ang mga sumunod na pangyayari
dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata
magulo..maingay..lahat ay nagsisigawan..may humihingi ng saklolo..
pagmulat ng mata ko ay nakahiga na pala ako sa kandugan ni Bespren
UMIIYAK muli siya
at mahigpit ang yakap sa akin
pero bakit ganito?
hindi ko maigalaw ang buong katawan ko?
nahagip pala ako ng kotse at tumilapon palayo
buti nalang nailigtas ko si Bespren
“Hanggang sa huli ba? ako parati ang inaalala mo?”
ang iyak niyang tugon sa akin
“Alam mo naman ang sagot sa katanungan mo…”
ang mahina ko ng tugon
“Sorry talaga ha! napakaTANGA kase ng BESPREN mo..”
“Huwag mo ng isipin yun, at least alam na natin ang katotohanan!”
“Masaya na ako nun!”
“pero, sorry din Bespren! Hindi na yata kita masasamahan ngayon!”
unti-unti na ulit pumipikit ang aking mga matana kahit balot ng luha at eto namay dulot ng sobrang sayahayaan mong baunin ko ito sa aking pupuntahan.
i wrote and first published this in my wordpress acount wayback 16th of april 2011.


Comments